
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Anong uri ng balita ayon sa istruktura ang ginagamitan ng pamatnubay na kumbensyonal?
Anong bahagi ng balita ang nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa dahil itinuturing itong pinakabuod?
Isang uri ng kumbensyonal na pamatnubay na kung saan ang pamamaraan ang itinatampok. Ano ito?
Anong uri ng makabagong pamatnubay ang isang pahayag kung sinimulan ito sa kilalang kasabihan o taludtod?
Bilang pinunong ahensya ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) pinangunahan ng Department of Health (DOH) ang laban sa pagsugpo sa Coronavirus desease 2019 (COVID-19) na nagdulot ng matinding krisis, hindi lamang sa bansa pati na rin sa bunong mundo.
Noong Pebrero 14 ibinaba ng Phivolcs sa Alert Level 2 ang Taal matapos na mabawasan ang mga aktibidad nito na indikasyon ng posibleng pagsabog.Anong pamatnubay na kumbensyonal ang binigyang-diin sa pahayag?
Patuloy ang pagmamakaawa ng nurses na payagan na silang lumipad abroad para makapaghanapbuhay dahil doon umano sila kikita ng malaking sahod at hindi sa Pilipinas. Pinag-aaralan naman ngayon ng Labor Department kung puwedeng payagang makaalis ng bansa ang mga nurse na nabigyan na ng employment contract hanggang Agosto 31, 2020. Anong uri ng pamatnubay ang pahayag?
"Hindi nasusukat sa tangkad ang pagsisilbi sa kapwa Pilipino."Ito ang pahiwatig ni Senator Christopher Bong Go sa pagsuporta niya sa proposed bill ng kapwa Senator na si Ronald Bato dela Rosa na nag-aalis sa minimum height requirements ng mga aplikante sa Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection at Bureau of Corrections. Anong uri ng pamatnubay ang pahayag?
Anong uri ng makabagong pamatnubay ang sumusunod na balita? Hustisya! Iyan ang panawagan ng mga mamamayang Pilipino kaugnay sa isyung PDAF Scam na kinasangkutan ni Janet Lim-Napoles.
Ito’y makabuluhang pangungusap ng ispiker o kaya’y hango sa isang akdang sinipi at ginamit na panimula ng isang balita. Ano uri ng makabagong pamatnubay ang tinukoy?