Napansin ni Narda na hindi pa gaanong maputi ang kanyang
nilabhang blusa. Ano ang dapat niyang gawain?
A. Ikula ito.
B.Ibabad ito.
C. Ibenta ito.
D.Isampay ito
Maglalaba si Kardo ng kanyang maruruming damit. Ano ang
dapat niyang gawin upang hindi makahawa ang damit na
may kulay?
A.Labhan lamang ang mga may kulay na damit.
B.Labhan lamang ang mga puting damit.
C.Ihiwalay ang mga puti sa may kulay na damit.
D.Palabhan ang damit sa nakatatandang kapatid
Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pabalik-balik sa
pagkuha ng mga kakailanganin sa paglalaba at mabawasan ang
pag-aksaya ng panahon?
A.Ilagay sa ropero ang maruruming damit.
B.Mag-imbak ng maraming sabon.
C.Iwasan ang paglalaba.
D. Ihanda lahat ng gamit na kailangan.
Binanlawan mo ang nilabhang mga damit nang dalawang beses at
napansin mong may sabon pa rin ito. Ano ang dapat mong gawin?
A.Sabuning muli ang mga damit.
B. Ibabad sa tubig ang mga damit.
C.Isampay ang mga damit upang matuyo.
D.Banlawang muli hanggang mawala ang sabon.
Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pagkupas ng mga damit
na may kulay?
A.. Ibabad sa tubig na may sabon.
B.Ibabad sa tubig magdamag
C.. Isampay sa nasisikatan ng araw.
D. Isampay sa ‘di-gaanong nasisikatan ng araw.