
Suriin ang bawat sitwasyon at tukuyin kung anong salik ng pagkonsumo ang ipinapahiwatig nito. Isulat ang sagot sa kwaderno.
Nagsisimula ng magtaas ang presyo ng mga panindang hamon at keso de bola ni aling Cely sapagkat nalalapit na ang araw ng pasko.
Si Guk ay bumili na lamang ng mumurahing gatas sa kadahilanang kakaunti lamang ang kanyang sinuweldo.
Marami ang tumatangkilik sa ABC fast food chain dahil sa pag-eendorso ng isang kilalang personalidad na si N. Ri-ki.
Mayroong nauusong sling bag na makikita sa isang pamilihan at marami na ang makikitang gumagamit nito kung kaya’t si Chimmy at ang kanyang mga kaibigan ay bumili na rin.
Sa unang buwan ng pagkalat ng Covid-19, ay tumaas ang halaga ng mga face masks at face shields sa bawat merkado o pamilihan.