
Gamitin ang salitang-ugat sa loob ng panaklong upang gumawa ng pandiwa na bubuo sa pangungusap (balik) __________ mo ang aklat na ito kay Marlon bukas.
(kita) __________ kami ni Dennis sa mall kahapon
Sina Martin at Mikaela ay (aral) __________ sa Jose Abad Santos Memorial School.
Sa susunod na linggo pa ako (uwi) __________ sa probinsiya.
(usap) __________ na ang mga guro at mga magulang kanina.
Araw-araw ako (bili) __________ ng mga sariwang prutas sa palengke.
Wala si Jonas dito. Kanina pa siya (alis) __________.
Kaarawan ni Lola sa Sabado kaya (dalaw) __________ natin siya sa Cavite.
Buksan mo ang pinto dahil may (katok) __________.
Hindi mo ba (dinig) __________ ang boses ko?
Mamayang gabi pa (dating) __________ si Tatay dahil may gagawin pa siya sa opisina.
(galit) __________ si Eddie sa iyo dahil kinuha mo ang cellphone niya na hindi nagpapaalam.
Anong oras ka ba (gising) __________ kaninang umaga?
.(awit) __________ ng mga mag-aaral ang Lupang Hinirang tuwing Lunes at Biyernes
Si Anna ay (punta) __________ sa bahay ni Trisha mamaya.
Ano ang aspekto ng pandiwa: Nag-ingat
Ano aspekto ng pandiwa: Nagkakaisa
Ano aspekto ng pandiwa: Magtatanong
Anong aspekto ng pandiwa: Nakikinig
Ilagay ang tamang aspekto ng pandiwa: 1. magmasid: Naganap: [[1]] ---- NAGAGANAP: [[2]]---- MAGAGANAP: [[3]]
Ilagay ang tamang aspekto ng pandiwa: MAGSUMBONG: Naganap: [[1]] ---- NAGAGANAP: [[2]]---- MAGAGANAP: [[3]]
Ilagay ang tamang aspekto ng pandiwa: MAGLINIS: Naganap: [[1]] ---- NAGAGANAP: [[2]]---- MAGAGANAP: [[3]]
Ilagay ang salita sa tamang kahulugan: 1. [[1]] - pagkain na may nakalulusog na sangkap 2. [[2]] - bahagyang-bukas 3. [[3]] - tunog ng pagtama ng kamao sa kahoy o bakal 4. [[4]] - paglalapat nang mariin ng mga labi kasabay ng panginginig ng katawan upang ipahayag ang pinipigil na galit o tuwa 5. [[5]] - lihim; bagay o kaalaman na hindi maaaring ipagsabi
Ang LOBO ay nag-aabang sa batang kambing na gusto niyang kainin
Bumili si Nanay ng mga LOBO para sa kaarawan ng kanyang anak
Kinakantahan ni Nanay ang anak bago matulog sa GABI. *
Paborito ng bata ang sinigang ni Nanay na may GABI. *
KITA ni Nanay ang masamang lobo habang tumatakbong palayo
. Malaki rin daw ang KITA sa pag-aalaga ng mga kambing
1. Ang matalinong batang kambing ay hindi basta NALINLANG ng lobo. Sa iyong karanasan, kapag matalino, maingat, at mahusay mag-isip ang isang tao ay hindi siya basta [[1]] ng iba. 2. BINUDBURAN ng lobo ang kanyang paa ng harina para pumuti ang mga ito. Sa iyong karanasan, mamumuti ang bagay kapag [[2]] ito ng harina o polbo. * 3.NAKAKANDADO ang pinto kaya hindi nakapasok ang lobo. Sa iyong karanasan, bago umalis ng bahay ay dapat lang na [[3]]ang iyong pintuan at gate para hindi mapasok ng masamang loob. 4. HINDI MAGKANDATUTO si Nanay dahil sa pag-aalala para sa kanyang anak. Sa iyong karanasan, [[4]] ka rin kapag ang dami-dami mo pang dapat gawin pero kulang na sa oras. 5. Hindi na basta MAPAPAHAMAK ang anak dahil matalino ito at maingat. Sa iyong karanasan, kailangan mo ring maging matalino para hindi ka [[5]] .
Dito pinapakilala ang mga tauhan at pangunahing pangyayari sa kuwento)
Ito ang problemang kakaharapin ng tauhan o mga tauhan sa kuwento
Iinilalahad dito ang maaaring mangyari patungo sa suliranin
BASAHIN at iayos ang mga pangyayari ayon sa pagkasunodsunod ng elemento ng kwento: Isang araw sa gubat habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Mabagal ito maglakad kaya pinagtawanan ito ng kuneho at tinukso. “Napakaiksi ng mga paa mo, Pagong, kaya ubod ka nang bagal maglakad, wala kang mararating niyan!” At sinundan iyon ng malalakas na tawa. Labis na nasaktan ang pagong sa mga sinabi ng kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon niya ang kuneho. “Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo.” Lalo lamang siyang pinagtawanan. “Nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang,” wika ni Kuneho. “Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa tuktok ng bulubundukin na iyon.” Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niya lalong asarin si Pagong sa harap ng ibang hayop dahil sigurado namang mananalo siya, ito ang kanyang paniniwala. Nakapaligid na sa kanila ang mga hayop. Si Matsing ang bibilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan. “Handa na ba kayo?” tanong ni Matsing. Magkasabay na sumagot sina Pagong at Kuneho. “Handa na kami!” “Isa, dalawa, tatlo! Takbo!” sigaw ni Matsing. Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok. Nang lumingon siya ay nakita niyang malayong-malayo ang agwat niya kay Pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si Pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga hayop na naroon. Hindi pinapansin ni Pagong ang pagtatawanan at pagbubulungan ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingon-lingon. Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si Pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na siyang nagpahinto-hinto, pero wala pa rin si Pagong. Palibahasa’y malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahang tumakbo nang mabilis, ipinasya niyang maidlip muna nang makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng pagkapanalo. Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si Pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si Kuneho na mahimbing na natutulog at malakas ang hilik. Nilampasan niya ito at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa marating na niya ang hangganan ng kanilang karera. Nang magising naman si Kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa rin makita si Pagong. Humanda na siyang magpalundag-lundag muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya nang matanaw si Pagong na naroroon na sa tuktok ng bundok. Naunahan na pala siya!
Ilagay ang tamang salita ayon sa kahulugan: 1. [[1]] - pagpipisan o pagtutumpok ng anumang bagay sa iisang pook 2. [[2]] -kapanganakan 3. [[3]] -pinakahuling ipinanganak; pinakabatang kasapi ng pamilya 4. [[4]] -maliit na halaga ng salapi na ginagamit sa mumunting bilhin o pagsusukli 5. [[5]] - -kinang na dulot ng ipinahid na sebo sa bagay
Alin ang pang uri sa pangungusap. Si Buknoy ay na amo para kay Butsi.
Kilalanin ang pang-uring ginamit sa pangungusap: Malinis na tubig ang ipinaiinom niya sa aso.
Kilalanin ang pang-uring ginamit sa pangungusap: Sana lahat ng amo ay maging mabubuti tulad ni Buknoy.
Kilalanin ang pang-uring ginamit sa pangungusap: May magandang tulugan din siyang inihanda para sa aso.
Kilalanin ang pangngalan o panghalip na binigyang-turing ng pang-uri sa pangungusap: Ang mapapalad na hayop ay inilagay sa maayos na tahanan, binibigyan ng masustansiyang pagkain at may malinis na tulugan.